Surah Al-Anbiyā’ (Ang mga Propeta — الأنبياء) (Talata 47)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




21 Al-Anbiyā’(الأنبياء), Talata 47

وَنَضَعُ الْمَوَازِينَ الْقِسْطَ لِيَوْمِ الْقِيَامَةِ فَلَا تُظْلَمُ نَفْسٌ شَيْئًا ۖ وَإِنْ كَانَ مِثْقَالَ حَبَّةٍ مِنْ خَرْدَلٍ أَتَيْنَا بِهَا ۗ وَكَفَىٰ بِنَا حَاسِبِينَ 47 ٤٧

Maglalagay Kami ng mga timbangang pangmakatarungan para sa Araw ng Pagbangon, kaya hindi lalabagin sa katarungan ang isang kaluluwa sa anuman. Kung ito man ay kasimbigat ng buto ng mustasa ay magtatanghal Kami nito. Nakasapat na Kami bilang Tagapagtuos. (47)

Tafsīr
Magtutukod Kami ng mga timbangang makatarungan para sa mga tao sa [Araw ng] Pagbangon upang timbangin sa pamamagitan ng mga ito ang mga gawa nila, kaya hindi lalabagin sa katarungan sa Araw na iyon ang isang kaluluwa sa pamamagitan ng pagbabawas sa mga magandang gawa nito o pagdaragdag sa mga masagwang gawa nito. Kung ang natimbang ay kaunti tulad ng tinitimbang ng isang buto ng mustasa, magtatanghal Kami nito. Nakasapat na Kami bilang tagapag-isa-isa; mag-iisa-isa Kami ng mga gawa ng mga lingkod Namin.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba