Surah Al-Anbiyā’ (Ang mga Propeta — الأنبياء) (Talata 90)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaya tumugon Kami sa kanya. Ipinagkaloob Namin sa kanya si Juan at isinaayos Namin para sa kanya ang maybahay niya. Tunay na sila noon ay nakikipagmabilisan sa mga kabutihan at dumadalangin sa Amin sa pagmimithi at sa pangingilabot. Sila noon sa Amin ay mga nagtataimtim. (90)
Tafsīr
Kaya sumagot Kami sa kanya sa panalangin niya. Ibinigay Namin sa kanya si Juan bilang anak at pinagaling Namin para sa kanya ang maybahay niya kaya ito ay naging nanganganak matapos na dati ay hindi nanganganak. Tunay na sina Zacarias, ang maybahay niya, at ang anak niya ay nagmamabilis noon sa paggawa ng mga kabutihan at dumadalangin noon sa Amin, habang mga nagmimithi sa nasa ganang Amin na gantimpala habang mga nangangamba sa nasa ganang Amin na parusa. Sila noon sa Amin ay mga tagapagsumamo.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: