Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Mayroon sa mga tao na sumasamba kay Allāh sa isang gilid. Kaya kapag may tumama sa kanya na isang mabuti, napapanatag siya rito; at kapag may tumama sa kanya na isang pagsubok, umuuwi siya sa [dating] mukha niya. Nalugi siya sa Mundo at Kabilang-buhay. Iyon ay ang pagkaluging malinaw. (11)
Tafsīr
Mayroon sa mga tao na nalilito: sumasamba kay Allāh sa pagdududa. Kaya kapag may tumama sa kanya na isang mabuti gaya ng kalusugan at yaman, nagpapatuloy siya sa pananampalataya niya at pagsamba niya kay Allāh; at kapag may tumama sa kanya na isang pagsusulit gaya ng karamdaman at karalitaan, nagmamasama siya sa relihiyon niya at tumatalikod siya palayo rito. Nalugi siya sa Mundo niya sapagkat hindi magdaragdag sa kanya ang kawalang-pananampalataya niya ng isang bahagi mula sa Mundo, na hindi itinakda para sa kanya. Nalugi siya sa Kabilang-buhay niya dahil sa daranasin niya na pagdurusang dulot ni Allāh. Iyon ay ang pagkaluging maliwanag.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: