Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sa Araw na makakikita kayo rito, malilingat ang bawat tagapasuso sa pinasuso nito, maglalaglag ang bawat may dala [sa sinapupunan] ng dinadala nito, at makakikita ka sa mga tao na mga lasing samantalang hindi sila lasing, subalit ang pagdurusang dulot ni Allāh ay matindi. (2)
Tafsīr
Sa Araw na makasasaksi kayo nito, malilingat ang bawat tagapagpasuso sa pasusuhin nito, maglalaglag ang bawat babaing may ipinagbubuntis na dinadala nito [sa sinapupunan] dahil sa tindi ng pangamba, at makakikita ka ng mga tao na dala ng paglaho ng mga isip nila ay tulad ng mga lasing dahil sa tindi ng hilakbot ng katayuan samantalang hindi naman sila lasing dahil sa pag-inom ng alak, subalit ang pagdurusang dulot ni Allāh ay matindi sapagkat nagpawala ito sa kanila ng mga isip nila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: