Surah Al-Ḥajj (Ang Hajj (Pilgrimahe) — الحج) (Talata 34)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




22 Al-Ḥajj(الحج), Talata 34

وَلِكُلِّ أُمَّةٍ جَعَلْنَا مَنْسَكًا لِيَذْكُرُوا اسْمَ اللَّهِ عَلَىٰ مَا رَزَقَهُمْ مِنْ بَهِيمَةِ الْأَنْعَامِ ۗ فَإِلَٰهُكُمْ إِلَٰهٌ وَاحِدٌ فَلَهُ أَسْلِمُوا ۗ وَبَشِّرِ الْمُخْبِتِينَ 34 ٣٤

Para sa bawat kalipunan ay nagtalaga Kami ng isang pamamaraan upang bumanggit sila sa pangalan ni Allāh ‌sa itinustos Niya sa kanila na hayop ng mga hayupan sapagkat ang Diyos ninyo ay nag-iisang Diyos kaya sa Kanya ay magpasakop kayo. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga nagmamababang-loob, (34)

Tafsīr
Para sa bawat kalipunang nagdaan ay nagtalaga ng isang pamamaraan ng pagpapadanak ng mga dugo bilang handog para kay Allāh. [Ito ay] sa pag-asang bumanggit sila ng pangalan ni Allāh sa kinakatay nila mula sa mga handog na iyon sa sandali ng pagkakatay bilang pasasalamat kay Allāh sa itinustos Niya sa kanila na mga kamelyo, mga baka, at mga tupa. Ang sinasamba ninyo ayon sa karapatan, o mga tao, ay nag-iisang sinasamba: walang katambal sa Kanya, kaya sa Kanya lamang kayo magpaakay sa pamamagitan ng pagpapasailalim at pagtalima. Magpabatid ka, O Sugo, sa mga tagapagpakumbabang nagpapakawagas sa magpapatuwa sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba