Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaya kay rami nang pamayanan na nagpahamak Kami nito samantalang ito ay tagalabag sa katarungan kaya ito ay nakaguho sa mga bubong na ito, [kay rami nang] balon na pinabayaan, at [kay rami nang] palasyong pinatayog. (45)
Tafsīr
Anong dami ng mga pamayanan na nagpahamak Kami ng mga ito – samantalang ang mga ito ay tagalabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya ng mga ito – sa pamamagitan ng isang pagdurusang pumupuksa kaya ang mga tahanan ng mga ito ay winasak, na nawawalan ng mga nakatira sa mga ito. Anong dami ng mga balon na nawawalan ng mga tagaigib sa mga ito dahil sa kapahamakan nila. Anong dami ng mga palasyong matataas na pinalamutian, na hindi nakapagsanggalang sa mga nakatira sa mga iyon laban sa pagdurusa.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: