Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Humihiling sila sa iyo ng pagmamadali sa pagdurusa at hindi sisira si Allāh sa pangako Niya. Tunay na ang isang araw sa ganang Panginoon mo ay gaya ng isang libong taon mula sa binibilang ninyo. (47)
Tafsīr
Humihiling sa iyo, O Sugo, ang mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga kababayan mo ng pagmamadali sa pagdurusang ipinamamadali sa Mundo at pagdurusang ipinagpapaliban sa Kabilang-buhay dahil sa pagkababala sa kanila sa mga ito. Hindi sisira sa kanila si Allāh sa ipinangako Niya sa kanila. Kabilang sa ipinamamadali ay ang dumapo sa kanila sa Araw ng [Labanan sa] Badr. Tunay na ang isang araw ng pagdurusa sa Kabilang-buhay ay tulad ng isang libong taon mula sa binibilang ninyo mula sa mga taon ng Mundo dahilan sa dulot nitong pagdurusa.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: