Surah Al-Ḥajj (Ang Hajj (Pilgrimahe) — الحج) (Talata 53)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




22 Al-Ḥajj(الحج), Talata 53

لِيَجْعَلَ مَا يُلْقِي الشَّيْطَانُ فِتْنَةً لِلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِمْ مَرَضٌ وَالْقَاسِيَةِ قُلُوبُهُمْ ۗ وَإِنَّ الظَّالِمِينَ لَفِي شِقَاقٍ بَعِيدٍ 53 ٥٣

[Iyan ay] upang gumawa Siya sa ipinupukol ng demonyo bilang pagsubok para sa mga may sakit [ng pagdududa] sa mga puso nila at matigas ang mga puso nila. Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan ay talagang nasa isang hidwaang malayo. (53)

Tafsīr
Nagpupukol ang demonyo sa pagbigkas ng Propeta upang gawin ni Allāh ang ipinupukol ng demonyo bilang pagsusulit para sa mga mapagpaimbabaw at para sa mga tumigas ang mga puso nila kabilang sa mga tagapagtambal. Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan kabilang sa mga mapagpaimbabaw at mga tagapagtambal ay talagang nasa isang pangangaway kay Allāh at sa Sugo Niya at isang pagkalayo sa katotohanan at pagkagabay.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba