Surah Al-Ḥajj (Ang Hajj (Pilgrimahe) — الحج) (Talata 55)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




22 Al-Ḥajj(الحج), Talata 55

وَلَا يَزَالُ الَّذِينَ كَفَرُوا فِي مِرْيَةٍ مِنْهُ حَتَّىٰ تَأْتِيَهُمُ السَّاعَةُ بَغْتَةً أَوْ يَأْتِيَهُمْ عَذَابُ يَوْمٍ عَقِيمٍ 55 ٥٥

Hindi tumitigil na ang mga tumangging sumampalataya ay nasa isang pag-aalangan dito hanggang sa pumunta sa kanila ang Huling Sandali nang biglaan o pumunta sa kanila ang isang pagdurusa sa isang araw na mapanira. (55)

Tafsīr
Hindi tumitigil na ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa Sugo Niya ay nasa isang pagdududa sa pinababa ni Allāh sa iyo na Qur'ān habang mga nagpapatuloy hanggang sa pumunta sa kanila ang Huling Sandali nang biglaan habang sila ay nasa gayong kalagayan, o pumunta sa kanila ang isang pagdurusa sa isang Araw na walang awa para sa kanila roon at walang kabutihan. Ito ay ang Araw ng Pagbangon kaugnay sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba