Surah Al-Ḥajj (Ang Hajj (Pilgrimahe) — الحج) (Talata 56)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




22 Al-Ḥajj(الحج), Talata 56

الْمُلْكُ يَوْمَئِذٍ لِلَّهِ يَحْكُمُ بَيْنَهُمْ ۚ فَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ فِي جَنَّاتِ النَّعِيمِ 56 ٥٦

Ang paghahari sa Araw na iyon ay sa kay Allāh; hahatol Siya sa pagitan nila. Kaya ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay nasa mga hardin ng kaginhawahan. (56)

Tafsīr
Ang paghahari sa Araw na Pagbangon – sa araw na pupunta sa mga ito ang dating ipinangangako sa kanila na pagdurusa – ay sa kay Allāh lamang walang nakikipagtunggali sa Kanya roon. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay hahatol sa pagitan ng mga mananampalataya at mga tagatangging sumampalataya, saka hahatol Siya sa bawat isa sa kanila ayon sa kung ano ang nagiging karapat-dapat dito. Kaya ang mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos, ukol sa kanila ay isang gantimpalang sukdulan, ang mga hardin ng kaginhawahang mananatili, na hindi napuputol.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba