Surah Al-Ḥajj (Ang Hajj (Pilgrimahe) — الحج) (Talata 58)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




22 Al-Ḥajj(الحج), Talata 58

وَالَّذِينَ هَاجَرُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ ثُمَّ قُتِلُوا أَوْ مَاتُوا لَيَرْزُقَنَّهُمُ اللَّهُ رِزْقًا حَسَنًا ۚ وَإِنَّ اللَّهَ لَهُوَ خَيْرُ الرَّازِقِينَ 58 ٥٨

Ang mga lumikas sa landas ni Allāh, pagkatapos napatay sila o namatay sila, ay talagang magtutustos sa kanila si Allāh ng isang panustos na maganda. Tunay na si Allāh ay talagang Siya ang pinakamabuti sa mga tagapagtustos. (58)

Tafsīr
Ang mga nag-iwan sa mga tahanan nila at mga bayan nila sa paghahangad sa kaluguran ni Allāh at pagpapatibay sa relihiyon Niya, pagkatapos napatay sila sa pakikibaka sa landas Niya, o namatay sila, ay talagang magtutustos sa kanila si Allāh sa Paraiso ng isang panustos na maganda na mamamalagi, na hindi mapuputol. Tunay na si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay talagang Siya ang pinakamabuti sa mga tagapagtustos.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba