Surah Al-Ḥajj (Ang Hajj (Pilgrimahe) — الحج) (Talata 60)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




22 Al-Ḥajj(الحج), Talata 60

ذَٰلِكَ وَمَنْ عَاقَبَ بِمِثْلِ مَا عُوقِبَ بِهِ ثُمَّ بُغِيَ عَلَيْهِ لَيَنْصُرَنَّهُ اللَّهُ ۗ إِنَّ اللَّهَ لَعَفُوٌّ غَفُورٌ 60 ٦٠

Iyon nga. Ang sinumang nagpasakit ng tulad sa ipinasakit sa kanya, pagkatapos siniil siya, talagang mag-aadya nga sa kanya si Allāh. Tunay na si Allāh ay talagang Mapagpaumanhin, Mapagpatawad. (60)

Tafsīr
Ang nabanggit na iyon ay ang pagpapapasok sa Paraiso ng mga lumikas sa landas ni Allāh at ang pagpapahintulot sa pagtumbas sa lumalabag ng tulad sa paglabag niya yayamang walang kasalanan doon para sa nilabag. Kapag umulit ang tagalabag sa paglabag niya, tunay na si Allāh ay mag-aadya sa nilabag. Tunay na si Allāh ay Mapagpaumanhin sa mga pagkakasala ng mga mananampalataya, Mapagpatawad sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba