Surah Al-Ḥajj (Ang Hajj (Pilgrimahe) — الحج) (Talata 61)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




22 Al-Ḥajj(الحج), Talata 61

ذَٰلِكَ بِأَنَّ اللَّهَ يُولِجُ اللَّيْلَ فِي النَّهَارِ وَيُولِجُ النَّهَارَ فِي اللَّيْلِ وَأَنَّ اللَّهَ سَمِيعٌ بَصِيرٌ 61 ٦١

Iyon ay dahil si Allāh ay nagpapalagos ng gabi sa maghapon at nagpapalagos ng maghapon sa gabi at dahil si Allāh ay Madinigin, Nakakikita. (61)

Tafsīr
Ang pag-aadyang iyon sa nilabag ay dahil si Allāh ay nakakakaya sa anumang niloloob Niya – na bahagi ng kakayahan Niya ang pagpapasok ng gabi sa maghapon at ng maghapon sa gabi sa pamamagitan ng pagdaragdag sa isa sa dalawa at pagbabawas sa iba; at dahil si Allāh ay Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, Nakakikita sa mga gawain nila: walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa mga ito, at gaganti sa kanila sa mga ito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba