Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Iyon ay dahil si Allāh ay ang Katotohanan, dahil ang anumang dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya ay ang kabulaanan, at dahil si Allāh ay ang Mataas, ang Malaki. (62)
Tafsīr
Ang nabanggit na iyon na pagpapapasok ni Allāh ng gabi sa maghapon at ng maghapon sa gabi ay dahil si Allāh ay ang Katotohanan kaya ang Relihiyon niya ay katotohanan, ang pangako Niya ay katotohanan, at ang pag-aadya Niya para sa mga mananampalataya ay katotohanan; dahil ang anumang sinasamba ng mga tagapagtambal bukod pa kay Allāh gaya ng mga diyus-diyusan ay ang kabulaanang walang batayan doon; at dahil si Allāh ay ang Mataas sa nilikha Niya sa sarili, halaga, at paggapi, ang Malaki na ukol sa Kanya ang pagmamalaki, ang kadakilaan, at ang pagkapinagpipitaganan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: