Surah Al-Ḥajj (Ang Hajj (Pilgrimahe) — الحج) (Talata 66)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




22 Al-Ḥajj(الحج), Talata 66

وَهُوَ الَّذِي أَحْيَاكُمْ ثُمَّ يُمِيتُكُمْ ثُمَّ يُحْيِيكُمْ ۗ إِنَّ الْإِنْسَانَ لَكَفُورٌ 66 ٦٦

Siya ay ang nagbigay-buhay sa inyo, pagkatapos magbibigay-kamatayan sa inyo. Tunay na ang tao ay talagang mapagtangging magpasalamat [sa mga biyaya ni Allāh]. (66)

Tafsīr
Si Allāh ay ang nagbigay-buhay sa inyo yayamang nagpairal Siya sa inyo matapos na kayo noon ay mga walang-kairalan, pagkatapos magbibigay-kamatayan Siya sa inyo kapag nagwakas ang mga buhay ninyo, pagkatapos magbibigay-buhay Siya sa inyo matapos ng kamatayan ninyo upang tumuos sa inyo sa mga gawa ninyo at gumanti sa inyo sa mga ito. Tunay na ang tao ay talagang madalas ang pagkakaila sa mga biyaya ni Allāh – gayong ang mga ito ay nakalitaw – dahil sa pagsamba nito kasama kay Allāh sa iba pa sa Kanya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba