Surah Al-Ḥajj (Ang Hajj (Pilgrimahe) — الحج) (Talata 75)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




22 Al-Ḥajj(الحج), Talata 75

اللَّهُ يَصْطَفِي مِنَ الْمَلَائِكَةِ رُسُلًا وَمِنَ النَّاسِ ۚ إِنَّ اللَّهَ سَمِيعٌ بَصِيرٌ 75 ٧٥

Si Allāh ay humihirang mula sa mga anghel ng mga sugo at mula sa mga tao. Tunay na si Allāh ay Madinigin, Nakakikita. (75)

Tafsīr
Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay pumipili mula sa mga anghel ng mga sugo at pumipili mula sa mga tao ng mga sugo nang gayon din. Kaya nagsusugo Siya ng ilan sa mga anghel sa mga propeta, tulad ni Anghel Gabriel na isinugo Niya sa mga sugo kabilang sa mga tao, at nagsusugo Siya sa mga tao ng mga sugo kabilang sa mga tao. Tunay na si Allāh ay Madinigin sa anumang sinasabi ng mga tagapagtambal kaugnay sa mga sugo Niya, Nakakikita sa sinumang pinili Niya para sa pasugo Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba