Surah Al-Mu’minūn (Ang mga Mananampalataya — المؤمنون) (Talata 24)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




23 Al-Mu’minūn(المؤمنون), Talata 24

فَقَالَ الْمَلَأُ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ قَوْمِهِ مَا هَٰذَا إِلَّا بَشَرٌ مِثْلُكُمْ يُرِيدُ أَنْ يَتَفَضَّلَ عَلَيْكُمْ وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ لَأَنْزَلَ مَلَائِكَةً مَا سَمِعْنَا بِهَٰذَا فِي آبَائِنَا الْأَوَّلِينَ 24 ٢٤

Kaya nagsabi ang konseho na mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga kababayan niya: “Walang iba ito kundi isang taong tulad ninyo, na nagnanais magpakalamang sa inyo. Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang nagpababa Siya ng mga anghel. Hindi tayo nakarinig hinggil dito sa mga ninuno nating sinauna. (24)

Tafsīr
Kaya nagsabi ang mga maharlika at ang mga pinuno na tumangging sumampalataya kay Allāh kabilang sa mga kababayan niya sa mga tagasunod nila at madla nila: "Walang iba itong nag-aakala na siya ay isang sugo kundi isang taong tulad ninyo, na nagnanais ng pagkapangulo at pamumuno sa inyo. Kaya kung sakaling niloob ni Allāh na magsugo sa atin ng isang sugo ay talaga sanang nagsugo Siya nito mula sa mga anghel at hindi Siya magsusugo nito mula sa tao. Hindi tayo nakarinig hinggil sa tulad ng inaangkin niya sa ganang mga ninuno nating nauna sa atin.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba