Surah Al-Mu’minūn (Ang mga Mananampalataya — المؤمنون) (Talata 62)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




23 Al-Mu’minūn(المؤمنون), Talata 62

وَلَا نُكَلِّفُ نَفْسًا إِلَّا وُسْعَهَا ۖ وَلَدَيْنَا كِتَابٌ يَنْطِقُ بِالْحَقِّ ۚ وَهُمْ لَا يُظْلَمُونَ 62 ٦٢

Hindi Kami nag-aatang sa isang kaluluwa malibang ayon sa kaya nito. Mayroon Kaming isang talaang bumibigkas ng katotohanan at sila ay hindi lalabagin sa katarungan. (62)

Tafsīr
Hindi Kami nag-aatang sa isang kaluluwa malibang ayon sa sukat ng nakakaya nitong gawain. Sa ganang Amin ay may isang talaang pinagtibay Namin doon ang gawain ng bawat gumagawa, na bumibigkas ayon sa katotohanang walang pag-aatubili hinggil doon, at sila ay hindi lalabagin sa katarungan sa pamamagitan ng pagbabawas sa mga magandang gawa nila ni ng pagdaragdag sa mga masagwang gawa nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba