Surah Al-Mu’minūn (Ang mga Mananampalataya — المؤمنون) (Talata 70)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




23 Al-Mu’minūn(المؤمنون), Talata 70

أَمْ يَقُولُونَ بِهِ جِنَّةٌ ۚ بَلْ جَاءَهُمْ بِالْحَقِّ وَأَكْثَرُهُمْ لِلْحَقِّ كَارِهُونَ 70 ٧٠

O nagsasabi sila na sa kanya ay may isang kabaliwan? Bagkus naghatid siya sa kanila ng katotohanan habang ang higit na marami sa kanila sa katotohanan ay mga nasusuklam. (70)

Tafsīr
Bagkus nagsasabi silang siya ay baliw. Talaga ngang nagsinungaling sila. Bagkus naghatid siya sa kanila ng katotohanang walang pag-aatubili hinggil dito na ito ay mula sa ganang kay Allāh, habang ang karamihan sa kanila ay mga nasusuklam sa katotohanan, mga namumuhi rito dala ng inggit mula sa ganang mga sarili nila at dala ng pagkapanatiko sa kabulaanan nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba