Surah Al-Mu’minūn (Ang mga Mananampalataya — المؤمنون) (Talata 71)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kung sakaling sumunod ang katotohanan sa mga pithaya nila ay talaga sanang nagulo ang mga langit at ang lupa at ang sinumang nasa mga ito. Bagkus nagdala Kami sa kanila ng [Qur’ān na] paalaala sa kanila, ngunit sila sa paalaala sa kanila ay mga tagaayaw. (71)
Tafsīr
Kung sakaling nagpatakbo si Allāh ng mga bagay-bagay at nangasiwa Siya sa mga ito alinsunod sa pinipithaya ng mga sarili nila ay talaga sanang nagulo ang mga langit at ang lupa at nagulo ang sinumang nasa mga ito dahil sa kamangmangan nila hinggil sa mga kahihinatnan ng mga bagay-bagay at hinggil sa tumpak at tiwali na pangangasiwa. Bagkus nagbigay sa kanila ng may dulot ng dignidad nila at karangalan nila, ang Qur'ān, ngunit sila rito ay mga tagaayaw.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: