Surah Al-Mu’minūn (Ang mga Mananampalataya — المؤمنون) (Talata 80)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




23 Al-Mu’minūn(المؤمنون), Talata 80

وَهُوَ الَّذِي يُحْيِي وَيُمِيتُ وَلَهُ اخْتِلَافُ اللَّيْلِ وَالنَّهَارِ ۚ أَفَلَا تَعْقِلُونَ 80 ٨٠

Siya ay ang nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan. Sa Kanya ang pagsasalitan ng gabi at maghapon. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa? (80)

Tafsīr
Siya lamang – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang nagbibigay-buhay sapagkat walang tagapagbigay-buhay na iba pa sa Kanya. Siya lamang ay ang nagbibigay-kamatayan sapagkat walang tagapagbigay-kamatayan bukod pa sa Kanya. Sa Kanya ang pagtatakda sa pagsasalitan ng gabi at maghapon sa dilim at pagliliwanag, at sa haba at ikli. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa sa kakayahan Niya at pamumukod-tangi Niya sa paglikha at pangangasiwa?

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba