Surah An-Nūr (Ang Liwanag — النور) (Talata 11)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




24 An-Nūr(النور), Talata 11

إِنَّ الَّذِينَ جَاءُوا بِالْإِفْكِ عُصْبَةٌ مِنْكُمْ ۚ لَا تَحْسَبُوهُ شَرًّا لَكُمْ ۖ بَلْ هُوَ خَيْرٌ لَكُمْ ۚ لِكُلِّ امْرِئٍ مِنْهُمْ مَا اكْتَسَبَ مِنَ الْإِثْمِ ۚ وَالَّذِي تَوَلَّىٰ كِبْرَهُ مِنْهُمْ لَهُ عَذَابٌ عَظِيمٌ 11 ١١

Tunay na ang mga naghatid ng kabulaanan ay isang pulutong kabilang sa inyo. Huwag kayong mag-akalang ito ay masama para sa inyo, bagkus ito ay mabuti para sa inyo. Ukol sa bawat tao kabilang sa kanila ang kinamit niya mula sa kasalanan. Ang bumalikat sa kalakihan niyon kabilang sa kanila, ukol sa kanya ay isang pagdurusang mabigat. (11)

Tafsīr
Tunay na ang mga naghatid ng paninirang-puri (ang pagparatang ng kahalayan sa Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah – malugod si Allāh sa kanya) ay isang pangkat na nauugnay sa inyo, O mga mananampalataya. Huwag kayong magpalagay na ang ginawa-gawa nila ay masama para sa inyo, bagkus ito ay mabuti para sa inyo dahil sa dulot nito na paggantimpala at pagsubok para sa mga mananampalataya at dahil sa nakaaalinsabay nito na pagpapawalang-sala sa Ina ng mga Mananampalataya. Ukol sa bawat isang lumahok sa pagpaparatang sa kanya ng mahalay ay ganti sa kinamit niya na kasalanan dahil sa pagsasalita niya ng kabulaanan. Ang pumasan ng karamihan niyon dahil sa pagpapasimula niyon, ukol sa kanya ay isang pagdurusang mabigat. Ang tinutukoy rito ay ang ulo ng mga mapagpaimbabaw na si `Abdullāh bin Ubayy bin Salūl.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba