Surah An-Nūr (Ang Liwanag — النور) (Talata 28)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




24 An-Nūr(النور), Talata 28

فَإِنْ لَمْ تَجِدُوا فِيهَا أَحَدًا فَلَا تَدْخُلُوهَا حَتَّىٰ يُؤْذَنَ لَكُمْ ۖ وَإِنْ قِيلَ لَكُمُ ارْجِعُوا فَارْجِعُوا ۖ هُوَ أَزْكَىٰ لَكُمْ ۚ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ عَلِيمٌ 28 ٢٨

Kaya kung hindi kayo nakatagpo sa mga iyon ng isa man ay huwag kayong pumasok sa mga iyon hanggang sa ipinahintulot sa inyo. Kung sinabi sa inyo: “Bumalik kayo,” bumalik kayo. Ito ay higit na busilak para sa inyo. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Maalam. (28)

Tafsīr
Kaya kung hindi kayo nakatagpo sa mga bahay na iyon ng isa man ay huwag kayong pumasok sa mga iyon hanggang sa pinahintulutan kayo sa pagpasok sa mga iyon ng nagmamay-ari ng pahintulot. Kung nagsabi sa inyo ang mga may-ari ng mga ito: "Umuwi kayo," ay umuwi kayo at huwag kayong pumasok sa mga iyon sapagkat ito ay higit na dalisay para sa inyo sa ganang kay Allāh. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ninyo, at gaganti sa inyo sa mga ito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba