Surah An-Nūr (Ang Liwanag — النور) (Talata 2)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




24 An-Nūr(النور), Talata 2

الزَّانِيَةُ وَالزَّانِي فَاجْلِدُوا كُلَّ وَاحِدٍ مِنْهُمَا مِائَةَ جَلْدَةٍ ۖ وَلَا تَأْخُذْكُمْ بِهِمَا رَأْفَةٌ فِي دِينِ اللَّهِ إِنْ كُنْتُمْ تُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ ۖ وَلْيَشْهَدْ عَذَابَهُمَا طَائِفَةٌ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ 2 ٢

Ang [di-nakapag-asawang] babaing nangangalunya at ang [di-nakapag-asawang] lalaking nangangalunya ay humagupit kayo sa bawat isa sa kanilang dalawa ng isang daang hagupit. Huwag kayong tangayin ng pagkahabag sa kanilang dalawa sa Relihiyon ni Allāh kung kayo ay sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Sumaksi sa pagdurusa nilang dalawa ang isang pangkatin kabilang sa mga mananampalataya. (2)

Tafsīr
Ang babaing nangangalunya at ang lalaking nangangalunya, na mga walang karanasan sa pakikipagtalik, ay humagupit kayo sa bawat isa sa kanilang dalawa ng isang daang hagupit. Huwag kayong tangayin ng pagkalunos at pagkaawa sa kanilang dalawa sa pamamagitan ng hindi ninyo pagpapatupad sa kanilang dalawa ng takdang parusa o pagpapagaan ninyo nito sa kanilang dalawa, kung kayo ay sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Dumalo sa pagpapatupad ng takdang parusa sa kanilang dalawa ang isang pulutong ng mga mananampalataya bilang pagpapaigting sa pagpapatanyag sa kanilang dalawa at pagpapaudlot sa kanilang dalawa at sa iba pa sa kanilang dalawa.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba