Surah An-Nūr (Ang Liwanag — النور) (Talata 33)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




24 An-Nūr(النور), Talata 33

وَلْيَسْتَعْفِفِ الَّذِينَ لَا يَجِدُونَ نِكَاحًا حَتَّىٰ يُغْنِيَهُمُ اللَّهُ مِنْ فَضْلِهِ ۗ وَالَّذِينَ يَبْتَغُونَ الْكِتَابَ مِمَّا مَلَكَتْ أَيْمَانُكُمْ فَكَاتِبُوهُمْ إِنْ عَلِمْتُمْ فِيهِمْ خَيْرًا ۖ وَآتُوهُمْ مِنْ مَالِ اللَّهِ الَّذِي آتَاكُمْ ۚ وَلَا تُكْرِهُوا فَتَيَاتِكُمْ عَلَى الْبِغَاءِ إِنْ أَرَدْنَ تَحَصُّنًا لِتَبْتَغُوا عَرَضَ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۚ وَمَنْ يُكْرِهْهُنَّ فَإِنَّ اللَّهَ مِنْ بَعْدِ إِكْرَاهِهِنَّ غَفُورٌ رَحِيمٌ 33 ٣٣

Magpakamabini ang mga hindi nakatatagpo ng pampakasal hanggang sa magpasapat sa kanila si Allāh mula sa kabutihang-loob Niya. Ang mga naghahangad ng kasulatan [ng paglaya] kabilang sa [mga aliping] minay-ari ng mga kanang kamay ninyo ay makipagsulatan kayo sa kanila [ng kasunduan] kung nakaalam kayo sa kanila ng kabutihan at magbigay kayo sa kanila mula sa yaman ni Allāh na ibinigay Niya sa inyo. Huwag kayong mamilit sa mga babaing alipin ninyo sa pagpapatutot, kung nagnais sila ng pagpapakalinis ng puri, upang maghangad kayo ng panandalian sa buhay na Mundo. Ang sinumang mamimilit sa kanila, tunay na si Allāh, matapos na ng pamimilit sa kanila, ay Mapagpatawad, Maawain. (33)

Tafsīr
Maghangad ng kabinihan laban sa pangangalunya ang mga hindi nakakakayang mag-asawa dahil sa karukhaan nila hanggang sa magpasapat sa kanila si Allāh mula sa kabutihang-loob Niyang malawak. Ang mga humihiling kabilang sa mga alipin ng pakikipagkasunduan sa mga pinapanginoon nila na magbayad sila ng salapi upang lumaya sila, kailangan sa mga pinapanginoon nila na tanggapin iyon mula sa kanila kung nakaalam ang mga ito sa kanila ng kakayahan sa pagganap at ng kaayusan sa relihiyon. Kailangan naman sa mga [pinapanginoong] ito na magbigay sa kanila, mula sa yaman ni Allāh na ibinigay Niya sa mga [pinapanginoong] ito, sa pamamagitan ng pagbabawas sa kanila ng isang bahagi mula sa napagkasunduan ng mga ito sa kanila na bayaran. Huwag ninyong pilitin ang mga babaing alipin ninyo sa pangangalunya bilang paghahanap ng salapi – gaya ng ginawa ni `Abdullāh bin Ubayy sa dalawang babaing alipin niya nang hiniling nang dalawang ito ang pagpapakabini at ang paglayo sa mahalay – upang hingin ninyo ang kikitain ng babaing alipin sa pagbibili ng katawan nito. Ang sinumang mamimilit sa kanila para roon kabilang sa inyo, tunay na si Allāh, noong matapos ng pamimilit sa kanila, ay Mapagpatawad sa pagkakasala nila, Maawain sa kanila dahil sila ay mga pinilit. Ang kasalanan ay nasa namilit sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba