Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
na mga lalaking hindi nalilibang ng isang kalakalan ni isang pagtitinda palayo sa pag-aalaala kay Allāh, pagpapanatili ng pagdarasal, at pagbibigay ng zakāh, na nangangamba sa isang araw na magpapalipat-lipat doon ang mga puso at ang mga paningin (37)
Tafsīr
May mga lalaking hindi nalilibang ng isang pagbili ni ng isang pagtitinda palayo sa pag-aalaala kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya, pagsasagawa ng pagdarasal ayon sa pinakalubos na anyo, at pagbibigay ng zakāh para sa mga gugulin nito. Nangangamba sila sa Araw ng Pagbangon, ang Araw na iyon na magpapalipat-lipat doon ang mga puso sa pagitan ng pagmimithi sa kaligtasan mula sa pagdurusa at ng pangamba roon, at magpapalipat-lipat doon ang mga paningin tungo sa alinmang dakong pupunta ang mga ito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: