Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang mga tumangging sumampalataya, ang mga gawa nila ay gaya ng isang malikmata sa isang mababang kapatagan, na inaakala ng uhaw na isang tubig; hanggang sa nang dumating siya roon ay hindi siya nakatagpo roon ng anuman ngunit nakatagpo siya kay Allāh sa tabi niya, saka maglulubus-lubos Ito sa kanya sa pagtutuos sa kanya. Si Allāh ay mabilis ang pagtutuos. (39)
Tafsīr
Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh, ang mga gawa nilang ginawa nila ay walang gantimpala sa mga ito, na tulad ng malikmata sa isang mababang bahagi ng lupa. Nakikita iyon ng uhaw kaya nagpapalagay siya na iyon ay isang tubig kaya pumupunta siya roon. Hanggang sa nang dumating siya roon at tumigil siya roon, hindi siya nakatagpo ng tubig. Gayon din ang tagatangging sumampalataya; nagpapalagay siya na ang mga gawa niya ay magpapakinabang sa kanya. Hanggang sa nang namatay siya at binuhay siya, hindi siya nakatagpo ng gantimpala sa mga iyon. Nakatagpo siya sa Panginoon niya sa harap niya saka maglulubus-lubos Ito sa kanya sa pagtutuos sa gawa niya nang ganap. Si Allāh ay mabilis ang pagtutuos.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: