Surah An-Nūr (Ang Liwanag — النور) (Talata 58)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




24 An-Nūr(النور), Talata 58

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لِيَسْتَأْذِنْكُمُ الَّذِينَ مَلَكَتْ أَيْمَانُكُمْ وَالَّذِينَ لَمْ يَبْلُغُوا الْحُلُمَ مِنْكُمْ ثَلَاثَ مَرَّاتٍ ۚ مِنْ قَبْلِ صَلَاةِ الْفَجْرِ وَحِينَ تَضَعُونَ ثِيَابَكُمْ مِنَ الظَّهِيرَةِ وَمِنْ بَعْدِ صَلَاةِ الْعِشَاءِ ۚ ثَلَاثُ عَوْرَاتٍ لَكُمْ ۚ لَيْسَ عَلَيْكُمْ وَلَا عَلَيْهِمْ جُنَاحٌ بَعْدَهُنَّ ۚ طَوَّافُونَ عَلَيْكُمْ بَعْضُكُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ ۚ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ اللَّهُ لَكُمُ الْآيَاتِ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ 58 ٥٨

O mga sumampalataya, magpaalam sa inyo ang mga [aliping] minay-ari ng mga kanang kamay ninyo at ang mga hindi umabot sa kahustuhang gulang kabilang sa inyo sa tatlong sandali: bago pa ng dasal sa madaling-araw, kapag nag-aalis kayo ng mga kasuutan ninyo [sa pamamahinga] sa tanghali at matapos na ng dasal sa gabi – tatlong [sandali ng] kahubaran para sa inyo. Wala sa inyo at wala sa kanilang masisisi matapos ng mga ito. Mga lumilibot sa inyo ang ilan sa inyo sa iba pa. Gayon naglilinaw si Allāh para sa inyo ng mga talata. Si Allāh ay Maalam, Marunong. (58)

Tafsīr
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, pahilingin mula sa inyo ng pahintulot ang mga lalaking alipin ninyo, at ang mga babaing alipin ninyo, at ang mga malayang bata na hindi umabot sa edad ng kahustuhang gulang sa tatlong sandali: mula sa bago ng pagdarasal sa madaling-araw sa oras ng pagpapalit ng mga kasuutan ng pagtulog ng mga kasuutan ng pagkagising, sa oras ng tanghali kapag naghubad kayo ng mga kasuutan ninyo para sa pag-idlip, at matapos ng pagdarasal sa gabi dahil ito ay oras ng pagtulog ninyo at paghuhubad ng mga kasuutan ng pagkagising at pagsusuot ng mga kasuutan ng pagtulog. Ang tatlong sandaling ito ay mga kahubaran para sa inyo. Hindi sila papasok sa mga [oras na] ito sa inyo malibang matapos ng isang pahintulot mula sa inyo. Wala sa inyong pagkaasiwa sa pagpasok nila nang walang paalam at wala sa kanilang pagkaasiwa sa anumang iba pa sa mga iyon na mga sandali. Sila ay madalas ang paglibut-libot sa inyo. Ang ilan sa inyo ay lumilibot sa iba, kaya nagiging imposible ang pagpigil sa kanila sa pagpasok sa bawat oras malibang may pagpaalam. Kung paanong naglinaw si Allāh para sa inyo ng mga patakaran ng pagpaalam, naglilinaw Siya para sa inyo ng mga talatang nagpapatunay sa isinabatas Niya para sa inyo na mga patakaran Niya. Si Allāh ay Maalam sa mga kapakanan ng mga lingkod Niya, Marunong sa isinasabatas Niya para sa kanila na mga patakaran.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba