Surah Al-Furqān (Ang Pamantayan — الفرقان) (Talata 59)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




25 Al-Furqān(الفرقان), Talata 59

الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَا فِي سِتَّةِ أَيَّامٍ ثُمَّ اسْتَوَىٰ عَلَى الْعَرْشِ ۚ الرَّحْمَٰنُ فَاسْأَلْ بِهِ خَبِيرًا 59 ٥٩

[Siya] ang lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw, pagkatapos lumuklok Siya sa Trono. [Siya] ang Napakamaawain, kaya magtanong ka sa Kanya bilang Mapagbatid. (59)

Tafsīr
[Siya] ang lumikha ng mga langit at lumikha ng lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw, pagkatapos pumaitaas Siya at umangat Siya sa Trono ayon sa kataasang naaangkop sa kapitaganan Niya. Siya ang Napakamaawain, kaya magtanong ka, O Sugo, sa Kanya bilang Mapagbatid. Siya ay si Allāh na nakaaalam sa bawat bagay: walang nakakukubli sa Kanya na anuman.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba