Surah Al-Furqān (Ang Pamantayan — الفرقان) (Talata 77)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




25 Al-Furqān(الفرقان), Talata 77

قُلْ مَا يَعْبَأُ بِكُمْ رَبِّي لَوْلَا دُعَاؤُكُمْ ۖ فَقَدْ كَذَّبْتُمْ فَسَوْفَ يَكُونُ لِزَامًا 77 ٧٧

Sabihin mo: “Hindi sana nagmamalasakit sa inyo ang Panginoon ko kung hindi dahil sa panalangin ninyo, ngunit nagpasinungaling nga kayo kaya ito ay magiging kumakapit.” (77)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagatangging sumampalataya na nagpupumilit sa kawalang-pananampalataya nila: "Hindi pumapansin sa inyo ang Panginoon ko dahil sa isang kapakinabangang nauuwi sa Kanya mula sa pagtalima ninyo. Kung hindi dahil mayroon Siyang mga lingkod na dumadalangin sa Kanya ng panalangin ng pagsamba at panalangin ng paghingi ay talaga sanang hindi Siya pumansin sa inyo. Ngunit nagpasinungaling nga kayo sa Sugo sa inihatid niya sa inyo mula sa Panginoon ninyo kaya ang ganti sa pagpapasinungaling ay magiging kumakapit sa inyo."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba