Surah Al-Furqān (Ang Pamantayan — الفرقان) (Talata 7)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




25 Al-Furqān(الفرقان), Talata 7

وَقَالُوا مَالِ هَٰذَا الرَّسُولِ يَأْكُلُ الطَّعَامَ وَيَمْشِي فِي الْأَسْوَاقِ ۙ لَوْلَا أُنْزِلَ إِلَيْهِ مَلَكٌ فَيَكُونَ مَعَهُ نَذِيرًا 7 ٧

Nagsabi sila: “Ano ang mayroon sa Sugong ito na kumakain ng pagkain at naglalakad sa mga palengke? Bakit kasi walang pinababa sa kanya na isang anghel para ito kasama sa kanya ay maging isang mapagbabala? (7)

Tafsīr
Nagsabi ang mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan: "Ano ang mayroon sa nag-aangking ito na siya ay isang sugo mula sa ganang kay Allāh, na kumakain ng pagkain kung paanong kumakain ang iba pa sa kanya na mga tao at naglalakad sa mga palengke sa paghahanap ng kabuhayan? Bakit nga kaya hindi nagpababa si Allāh kasama sa kanya ng isang anghel na magiging kapisan niya habang nagpapatotoo sa kanya at umaalalay sa kanya?

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba