Surah Ash-Shu‘arā’ (Ang mga Makata — الشعراء) (Talata 121)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




26 Ash-Shu‘arā’(الشعراء), Talata 121

إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً ۖ وَمَا كَانَ أَكْثَرُهُمْ مُؤْمِنِينَ 121 ١٢١

Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya. (121)

Tafsīr
Tunay na sa nabanggit na iyon mula sa kasaysayan ni Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at ng mga kababayan niya, pagkaligtas ni Noe at sinumang kasama sa kanya kabilang sa mga mananampalataya, at pagkapahamak ng mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga kababayan niya ay talagang may maisasaalang-alang para sa mga tagapagsaalang-alang. Ang karamihan sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba