Surah Ash-Shu‘arā’ (Ang mga Makata — الشعراء) (Talata 227)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
maliban sa mga sumampalataya, gumawa ng mga maayos, nag-alaala kay Allāh nang madalas, at naiadya matapos na labagin sila sa katarungan. Makaaalam ang mga lumabag sa katarungan kung sa aling uwian uuwi sila. (227)
Tafsīr
maliban sa mga sumampalataya kabilang sa mga manunula, gumawa ng mga gawang maayos, nag-alaala kay Allāh nang madalas na pag-aalaala, at naiadya laban sa mga kaaway ni Allāh matapos na lumabag sa katarungan ang mga ito sa kanila, tulad ni Ḥassān bin Thābit – malugod si Allāh sa kanya. Makaaalam ang mga lumabag sa katarungan dahil sa pagtatambal kay Allāh at pangangaway sa mga lingkod Niya kung sa aling balikan babalik sila sapagkat babalik sila sa isang katayuang mabigat at isang pagtutuos na masusi.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: