Surah Ash-Shu‘arā’ (Ang mga Makata — الشعراء) (Talata 30)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




26 Ash-Shu‘arā’(الشعراء), Talata 30

قَالَ أَوَلَوْ جِئْتُكَ بِشَيْءٍ مُبِينٍ 30 ٣٠

Nagsabi [si Moises]: “Kahit pa ba naghatid ako sa iyo ng isang bagay na malinaw?” (30)

Tafsīr
Nagsabi si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – kay Paraon: "Gagawin mo ba akong kabilang sa mga ibinilanggo kahit pa naghatid ako sa iyo ng naglilinaw sa katapatan ko kaugnay sa inihatid ko sa iyo mula sa ganang kay Allāh?"

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba