Surah An-Naml (Ang Langgam — النمل) (Talata 12)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




27 An-Naml(النمل), Talata 12

وَأَدْخِلْ يَدَكَ فِي جَيْبِكَ تَخْرُجْ بَيْضَاءَ مِنْ غَيْرِ سُوءٍ ۖ فِي تِسْعِ آيَاتٍ إِلَىٰ فِرْعَوْنَ وَقَوْمِهِ ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا قَوْمًا فَاسِقِينَ 12 ١٢

Ipasok mo ang kamay mo sa eskotadura mo, lalabas ito na maputi na walang kasagwaan [ng ketong]. [Ito ay] nasa siyam na tanda para kay Paraon at mga tao niya. Tunay na sila ay mga taong suwail.” (12)

Tafsīr
Ipasok mo ang kamay mo sa bukasan ng kamisa mo na nalalapit sa leeg mo, lalabas ito, matapos ng pagpapasok mo nito, na maputi na tulad ng yelo, na walang sakit. Napaloob sa siyam na tanda na sasaksi sa katapatan mo, ang mga ito, kasama ang kamay, ay ang tungkod, ang mga taon, ang pagkakulang ng mga bunga, ang gunaw, ang balang, ang kuto, ang palaka, at ang dugo. [Sasaksi ang mga ito] kay Paraon at sa lipi niya. Tunay na sila noon ay mga taong lumalabas sa pagtalima kay Allah dahil sa kawalang-pananampalataya sa Kanya."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba