Surah An-Naml (Ang Langgam — النمل) (Talata 18)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




27 An-Naml(النمل), Talata 18

حَتَّىٰ إِذَا أَتَوْا عَلَىٰ وَادِ النَّمْلِ قَالَتْ نَمْلَةٌ يَا أَيُّهَا النَّمْلُ ادْخُلُوا مَسَاكِنَكُمْ لَا يَحْطِمَنَّكُمْ سُلَيْمَانُ وَجُنُودُهُ وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ 18 ١٨

hanggang sa nang nakapunta sila sa lambak ng mga langgam ay may nagsabing isang langgam: “O mga langgam, magsipasok kayo sa mga tirahan ninyo; huwag nga dumudurog sa inyo si Solomon at ang mga kawal niya habang sila ay hindi nakadarama.” (18)

Tafsīr
Kaya hindi sila tumitigil na inaakay hanggang sa nang dumating sila sa lambak ng mga langgam (isang pook sa Sirya), may nagsabing isa sa mga langgam: "O mga langgam, magsipasok kayo sa mga tirahan ninyo upang hindi magpahamak sa inyo si Solomon at ang mga kawal niya habang sila ay hindi nakaaalam sa inyo yayamang kung sakaling nakaalam sila sa inyo ay talagang hindi sila aapak sa inyo."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba