Surah An-Naml (Ang Langgam — النمل) (Talata 42)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




27 An-Naml(النمل), Talata 42

فَلَمَّا جَاءَتْ قِيلَ أَهَٰكَذَا عَرْشُكِ ۖ قَالَتْ كَأَنَّهُ هُوَ ۚ وَأُوتِينَا الْعِلْمَ مِنْ قَبْلِهَا وَكُنَّا مُسْلِمِينَ 42 ٤٢

Kaya noong dumating siya ay sinabi: “Ganito ba ang trono mo?” Nagsabi siya: “Para bang ito ay iyon.” [Nagsabi si Solomon]: “Binigyan kami ng kaalaman bago pa niya at dati na kaming mga tagapagpasakop [kay Allāh].” (42)

Tafsīr
Kaya noong dumating ang reyna ng Sheba kay Solomon ay sinabi sa kanya bilang pagsubok sa kanya: "Ito ba ay tulad ng trono mo?" Kaya sumagot siya alinsunod sa tanong: "Para bang ito ay iyon." Kaya nagsabi si Solomon: "Nagbigay si Allāh sa amin ng kaalaman bago pa niya dahil sa kakayahan ni Allāh sa tulad ng mga bagay na ito. Dati na kaming mga nagpapasailalim sa utos ni Allāh, ng mga tagatalima sa Kanya."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba