Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O ang gumawa ba sa lupa bilang pamamalagian, gumawa sa gitna nito ng mga ilog, gumawa para rito ng mga matatag na bundok, at gumawa sa pagitan ng dalawang dagat [na alat at tabang] ng isang harang ay isang diyos ba kasama kay Allāh? Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam. (61)
Tafsīr
O ang gumawa ba sa lupa bilang pinamamalagiang matatag na hindi umaalog sa sinumang nasa ibabaw nito, gumawa sa loob nito ng mga ilog na dumadaloy, gumawa para rito ng mga bundok na matatag, at gumawa sa pagitan ng dalawang dagat: ang maalat at ang tabang, ng isang tagapaghiwalay na pumipigil sa pagkakahalo ng maalat sa tabang upang hindi makasira nito para hindi bumagay para sa pag-inom, ay isang sinasamba bang gumawa niyon kasama kay Allāh? Bagkus ang karamihan sa kanila ay hindi nakaaalam. Kung sakaling sila ay nakaaalam, talaga sanang hindi sila nagtambal kay Allāh ng isa man kabilang sa mga nilikha Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: