Surah An-Naml (Ang Langgam — النمل) (Talata 65)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




27 An-Naml(النمل), Talata 65

قُلْ لَا يَعْلَمُ مَنْ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ الْغَيْبَ إِلَّا اللَّهُ ۚ وَمَا يَشْعُرُونَ أَيَّانَ يُبْعَثُونَ 65 ٦٥

Sabihin mo: “Hindi nalalaman ng sinumang nasa mga langit at lupa ang nakalingid maliban kay Allāh, at hindi nila nararamdaman kung kailan sila bubuhayin.” (65)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo: "Hindi nalalaman ang Lingid ng sinumang nasa mga langit na mga anghel ni ng sinumang nasa lupa na mga tao, subalit si Allāh lamang ay ang nakaaalam niyon. Hindi nalalaman ng lahat ng mga nasa mga langit at ng mga nasa lupa kung kailan sila bubuhayin para sa pagganti maliban kay Allāh."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba