Surah An-Naml (Ang Langgam — النمل) (Talata 7)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




27 An-Naml(النمل), Talata 7

إِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِأَهْلِهِ إِنِّي آنَسْتُ نَارًا سَآتِيكُمْ مِنْهَا بِخَبَرٍ أَوْ آتِيكُمْ بِشِهَابٍ قَبَسٍ لَعَلَّكُمْ تَصْطَلُونَ 7 ٧

[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mag-anak niya: “Tunay na ako ay nakatanaw ng apoy. Magdadala ako sa inyo mula roon ng isang balita o magdadala ako sa inyo ng isang ningas na pamparikit, nang sa gayon kayo ay makapagpapainit. (7)

Tafsīr
Banggitin mo, O Sugo, nang nagsabi si Moises sa mag-anak niya: "Tunay na ako ay nakakita ng apoy. Magdadala ako sa inyo mula roon ng isang balita kung sino ang tagapagpaningas niyon na gagabay sa atin sa daan, o magdadala ako sa inyo ng isang dingas ng apoy na makukuha mula roon, sa pag-asang mapainitan kayo sa pamamagitan niyon mula sa lamig."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba