Surah An-Naml (Ang Langgam — النمل) (Talata 92)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




27 An-Naml(النمل), Talata 92

وَأَنْ أَتْلُوَ الْقُرْآنَ ۖ فَمَنِ اهْتَدَىٰ فَإِنَّمَا يَهْتَدِي لِنَفْسِهِ ۖ وَمَنْ ضَلَّ فَقُلْ إِنَّمَا أَنَا مِنَ الْمُنْذِرِينَ 92 ٩٢

at na bumigkas ako ng Qur’ān.” Kaya ang sinumang napatnubayan ay napapatnubayan lamang para sa [pakinabang] sarili niya at ang sinumang naligaw ay sabihin mo: “Ako ay kabilang sa mga tagapagbabala lamang.” (92)

Tafsīr
at inutusan ako na bumigkas ako ng Qur’ān sa mga tao." Kaya ang sinumang napatnubayan dahil sa patnubay nito at gumawa ayon sa nasaad dito, ang pakinabang sa kapatnubayan niya ay para sa sarili niya. Ang sinumang naligaw, nalihis palayo sa nasaad dito, nagkaila rito, at hindi gumawa ayon dito ay sabihin mo: "Ako ay kabilang sa mga tagapagbabala lamang; nagbababala ako sa inyo laban sa pagdurusang dulot ni Allāh. Hindi nasa kamay ko ang kapatnubayan ninyo."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba