Surah An-Naml (Ang Langgam — النمل) (Talata 93)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




27 An-Naml(النمل), Talata 93

وَقُلِ الْحَمْدُ لِلَّهِ سَيُرِيكُمْ آيَاتِهِ فَتَعْرِفُونَهَا ۚ وَمَا رَبُّكَ بِغَافِلٍ عَمَّا تَعْمَلُونَ 93 ٩٣

Sabihin mo: “Ang papuri ay ukol kay Allāh. Magpapakita Siya sa inyo ng mga tanda Niya kaya makakikilala kayo sa mga ito. Ang Panginoon mo ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo.” (93)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh dahil sa mga biyaya Niyang hindi nabibilang. Magpapakita sa inyo si Allāh ng mga tanda Niya sa mga sarili ninyo at sa langit, lupa, at panustos kaya makakikilala kayo sa mga ito ayon sa pagkakilalang papatnubay sa inyo tungo sa pagpapasakop sa katotohanan. Ang Panginoon mo ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo, bagkus Siya ay nakatatalos doon: walang nakakukubli sa Kanya mula roon na anuman, at gaganti sa inyo roon."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba