Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 15)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Pumasok siya [isang araw] sa lungsod sa isang sandali ng pagkalingat ng mga naninirahan doon saka nakatagpo siya roon ng dalawang lalaking nag-aaway. Itong [una] ay kabilang sa kakampi niya at itong [ikalawa] ay kabilang sa kaaway niya. Nagpasaklolo sa kanya ang kabilang sa kakampi niya laban sa kabilang sa kaaway niya. Kaya binuntal ito ni Moises saka napaslang niya ito. Nagsabi siya: “Ito ay kabilang sa gawain ng demonyo; tunay na siya ay isang kaaway na tagapagligaw na malinaw.” (15)
Tafsīr
Pumasok si Moises sa lungsod sa isang oras ng pamamahinga ng mga tao sa mga bahay nila. Nakatagpo siya roon ng dalawang lalaking nag-aalitan at nagsasapukan. Ang isa sa dalawa ay kabilang sa mga anak ni Israel na mga kalipi ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at ang iba naman ay kabilang mga Kopto na mga kalipi ni Paraon na mga kaaway ni Moises. Humiling ang kabilang sa lipi niya na tulungan niya ito laban sa kabilang sa mga Kopto na mga kaaway niya. Kaya sinapok ni Moises ang kopto sa pamamagitan ng nakakuyom na kamay niya saka napatay niya iyon sa pamamagitan ng pagsapok na iyon dahil sa lakas nito. Nagsabi si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Ito ay kabilang sa pang-aakit ng demonyo at pagpapalisya niya; tunay na ang demonyo ay isang kaaway na tagapagligaw para sa sinumang sumunod sa kanya, na maliwanag sa pagkamuhi sapagkat ang nangyari sa akin ay dahilan sa pagkamuhi niya at dahilan sa siya ay tagapagligaw na nagnanais ng pagliligaw sa akin."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: