Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 16)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




28 Al-Qaṣaṣ(القصص), Talata 16

قَالَ رَبِّ إِنِّي ظَلَمْتُ نَفْسِي فَاغْفِرْ لِي فَغَفَرَ لَهُ ۚ إِنَّهُ هُوَ الْغَفُورُ الرَّحِيمُ 16 ١٦

Nagsabi [si Moises]: “Panginoon ko, tunay na ako ay lumabag sa katarungan sa sarili ko kaya magpatawad Ka sa akin.” Kaya nagpatawad Siya rito. Tunay na Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain. (16)

Tafsīr
Nagsabi si Moises habang dumadalangin sa Panginoon niya habang umaamin sa nangyari sa kanya: "Panginoon ko, tunay na ako ay lumabag sa katarungan sa sarili ko dahil sa pagkapatay sa Koptong ito, kaya magpatawad Ka sa akin sa pagkakasala ko." Kaya nilinaw ni Allāh sa atin ang pagpapatawad Niya kay Moises. Tunay na Siya ay ang Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, ang Maawain sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba