Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 19)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaya noong nagnais siya na sumunggab sa isang kaaway para sa kanilang dalawa ay nagsabi iyon: “O Moises, nagnanais ka ba na pumatay sa akin gaya ng pagpatay mo ng isang tao kahapon? Wala kang ninanais kundi ikaw ay maging isang palasupil sa lupain at hindi ka nagnanais na ikaw ay maging kabilang sa mga tagapagsaayos.” (19)
Tafsīr
Kaya noong nagnais si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – na sumunggab sa Kopto na isang kaaway para sa kanya at para sa Israelita, nagpalagay ang Israelita na si Moises ay nagnanais na sumunggab sa kanya noong nakarinig siya rito na nagsasabi: "Tunay na Ikaw ay talagang isang lisyang malinaw." Kaya nagsabi siya kay Moises: "Nagnanais ka ba na pumatay sa akin tulad ng pagpatay mo sa isang tao kahapon? Wala kang ninanais kundi na ikaw ay maging isang mapaniil sa lupain: pumapatay ka ng mga tao at lumalabag ka sa katarungan sa kanila. Hindi ka nagnanais na ikaw ay maging kabilang sa mga tagapagsaayos sa pagitan ng mga nagkakaalitan."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: