Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 21)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




28 Al-Qaṣaṣ(القصص), Talata 21

فَخَرَجَ مِنْهَا خَائِفًا يَتَرَقَّبُ ۖ قَالَ رَبِّ نَجِّنِي مِنَ الْقَوْمِ الظَّالِمِينَ 21 ٢١

Kaya lumisan siya mula roon habang kinakabahang nag-aantabay. Nagsabi siya: “Panginoon ko, iligtas Mo ako laban sa mga taong tagalabag sa katarungan.” (21)

Tafsīr
Kaya sumunod si Moises sa utos ng lalaking tagapayo saka lumisan siya mula sa bayan habang kinakabahang nag-aantabay kung ano ang mangyayari sa kanya. Nagsabi siya habang dumadalangin sa Panginoon niya: "Panginoon ko, iligtas Mo ako mula sa mga taong tagalabag sa katarungan para hindi sila makapagpaabot sa akin ng isang kasagwaan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba