Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 31)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Pumukol ka ng tungkod mo.” Ngunit noong nakita niya ito na kumikislut-kislot na para bang ito ay isang ahas, tumalikod siya habang lumilisan at hindi lumingon. [Sinabi]: “O Moises, lumapit ka at huwag kang mangamba; tunay na ikaw ay kabilang sa mga tiwasay. (31)
Tafsīr
Maghagis ka ng tungkod mo." Kaya naghagis nito si Moises bilang pagsunod sa utos ng Panginoon niya. Ngunit noong nakita niya ito na kumikilos at kumakawag-kawag na para bang ito ay isang ahas sa bilis nito, tumalikod siya habang tumatakas sa takot doon at hindi bumalik mula sa pagtakas niya. Kaya nanawagan sa kanya ang Panginoon niya: "O Moises, lumapit ka at huwag kang mangamba riyan sapagkat tunay na ikaw ay kabilang sa mga tiwasay mula riyan at mula sa iba pa riyan kabilang sa pinangangambahan mo.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: