Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 41)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Gumawa Kami sa kanila bilang mga pasimuno na nag-aanyaya tungo sa Apoy. Sa Araw ng Pagbangon ay hindi sila iaadya. (41)
Tafsīr
Gumawa Kami sa kanila bilang mga huwaran para sa mga tagapagmalabis at mga tagapagligaw patungo sa Apoy dahil sa ipinalalaganap nila na kawalang-pananampalataya at pagkaligaw. Sa Araw ng Pagbangon ay hindi sila iaadya sa pamamagitan ng pagsagip sa kanila mula sa Apoy. Bagkus pag-iibayuhin sa kanila ang pagdurusa dahil nagsakalakaran sila ng mga kalakarang masagwa at nag-anyaya sila tungo roon ng kaligawan. Isusulat laban sa kanila ang kasalanan ng gawain nila dahil doon at ang kasalanan ng gawain ng sinumang sumunod sa kanila sa paggawa niyon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: