Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 45)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




28 Al-Qaṣaṣ(القصص), Talata 45

وَلَٰكِنَّا أَنْشَأْنَا قُرُونًا فَتَطَاوَلَ عَلَيْهِمُ الْعُمُرُ ۚ وَمَا كُنْتَ ثَاوِيًا فِي أَهْلِ مَدْيَنَ تَتْلُو عَلَيْهِمْ آيَاتِنَا وَلَٰكِنَّا كُنَّا مُرْسِلِينَ 45 ٤٥

Subalit Kami ay nagpaluwal ng mga salinlahi saka naghabaan sa kanila ang edad. Hindi ka noon nanunuluyan sa mga naninirahan sa Madyan, na bumibigkas sa kanila ng mga talata Namin [sa Qur’ān], subalit Kami noon ay tagapagsugo. (45)

Tafsīr
Subalit Kami ay nagpaluwal ng mga kalipunan at mga nilikha noong matapos ni Moises saka nagkalayuan sa kanila ang panahon hanggang sa nakalimot sila sa mga kasunduan kay Allāh. Hindi ka noon nananatili sa mga naninirahan sa Madyan, na bumibigkas sa kanila ng mga talata Namin, subalit Kami ay nagsugo sa iyo mula sa ganang Amin kaya nagkasi Kami sa iyo ng ulat kay Moises at pananatili niya sa Madyan. Kaya nagpabatid ka sa mga tao ng ikinasi ni Allāh sa iyo kabilang doon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba