Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 46)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hindi ka noon nasa gilid ng bundok noong nanawagan Kami [kay Moises] subalit [isinugo ka] bilang awa mula sa Panginoon mo upang magbabala ka sa mga taong walang pumunta sa kanila na anumang mapagbabala, bago mo pa, nang sa gayon sila ay magsasaalaala. (46)
Tafsīr
Hindi ka noon nasa gilid ng bundok noong nanawagan kay Moises at nagkasi sa kanya ng ikinasi upang magpabatid ka niyon. Subalit isinugo ka bilang awa mula sa Panginoon mo para sa mga tao kaya ikinasi sa iyo ang ulat niyon upang magbabala ka sa mga taong walang dumating sa kanila na anumang sugo, bago mo pa, na nagbababala sa kanila nang sa gayon sila ay mapangangaralan saka sasampalataya sa inihatid mo sa kanila mula sa ganang kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: